Maruming pulitika 'di ko style - Duterte

MANILA, Philippines - Dapat na buong ta­pang na harapin nina House Speaker Prospero Nogra­ les at Commission on Human Rights (CHR) chairperson Leila de Lima ang rek­lamo sa kanila ng isang inmate na umano’y kani­lang pinadukot mula sa Pa­nabo City Jail para gawing testigo laban sa grupong Da­vao Death Squad (DDS).

Ayon kay Davao City Administrator Wendell Avi­sado, tagapagsalita ni Da­vao City Mayor Duterte, ma­layo sa black propaganda at politika ang rek­lamo ng inmate na si Jo­nathan Balo, laban kina No­grales, de Lima at wa­long pulis.

Aniya, imposible ang nais palabasin nina Nogra­les at de Lima na si Duterte ang nasa likod ng DDS at tila gumagawa ito ng sari­ling multo. At wala sa pag­ka­tao umano ni Duterte ang hu­ malo sa maruming politika.

Una ng sinabi ni Balo na pwersahan siyang ini­labas sa kulungan noong Hulyo 6, at pinaaamin na dating miyembro ng DDS na iniuugnay kay Duterte.

Kasabay nito, ipinata­takda na ni acting Justice Secretary Agnes Devana­dera ang preliminary investigation hinggil sa naturang kaso, lalo na ang pagdukot kay Balo mula sa kulungan dahil tanging ang korte lang aniya ang may ka­pang­yarihan na magpala­bas ng inmate.

Show comments