MANILA, Philippines – Inatasan kahapon ni Department of Justice Secretary Agnes Devanadera si Bureau of Immigration Commissioner Marcelino Libanan na ideport pabalik sa Taiwan ang secretary-general ng Basketball Association of the Philippines na si Graham Chua Lim. Ginawa ni Devanadera ang kautusan makaraang maging pinal ang desisyon ng Supreme Court na nagdidismis sa petisyon ni Lim na humihiling na pagtibayin ang kanyang pagiging Pilipino. Naunang inireklamo si Lim ng isang referee ng BAP dahil isa siyang dayuhan. (Gemma Amargo-Garcia)