Pondo sa Bagong Nayon tiniyak

MANILA, Philippines – Tiniyak kamakailan ni Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairman Efraim Genuino na paglalaanan nito ng pondo ang pagpapaganda ng Bagong Nayong Pilipino - Entertainment City Manila.

Aniya, gagastusan ng PAGCOR ang naturang proyekto na mismong si Genuino ang bumuo nito para sa 120 ektaryang lupa ng gobyerno na matatagpuan sa Manila Bay.

“Kinakailangan na palakasin natin ang ating turismo dahil dito makatatayo ang ekonomiya ng bansa. May ilang tourist site tayo pero hindi ito napa­panatili at napapatakbo nang maayos” ani pa ni Ge­nuino.

Dito rin aniya magsisimulang mabuo ang pagiging makabansa ng mga Pilipino na matagal nang nawala sa mga ito.


Show comments