MANILA, Philippines – Nahaharap sa kasong kriminal sina House Spea ker Prospero Nograles, Commission on Human Rights Chairman Leila De Lima at ilang pulis matapos na pilitin umanong ilabas ang isang preso na wa lang kautusan ng korte para lang gawing testigo laban sa grupong Davao Death Squad.
Ang kaso ay isinampa ni Jonathan Balo ng Pe naplanta, Island Garden of Samal sa sala ni Prosecutor Dalisay-Fabrero ng Panabo City Prosecutor Office dahil sapilitan umano siyang inilabas ng Panabo District Jail at pilit na pinaamin na dating miyembro ng DDS.
Aniya, nais siyang itulad sa isa ring preso na nakilala lang sa pangalang Jose Duremdes na inilabas ng preso at ginawang testigo. Si Nograles at de Lima umano ang responsable sa paglalabas sa kanya sa preso at saka dinala sa isang firing range na kinalalagyan ng apat na biktima ng DDS.
Itinuro naman ni Balo ang isang P/Supt. Serrano at mga Jail Officer na sina Rodney Mediqueso, Prieto at anim na iba pa ang uma no’y “dumukot” sa kany a sa loob ng selda. Agad naman itinanggi ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na sangkot siya sa DDS at sina-bing may bahid politika at isang demolition job kaya siya iniuugnay dito. (ML)