MANILA, Philippines – Bawal na ang mga pulis na naka-sibilyan na nagsusukbit ng mga armas sa kanilang mga baywang habang gumagala saan mang panig ng bansa.
Sa direktiba na ipinalabas kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Jesus Verzosa., sasampahan ng kasong administratibo ang sinumang pulis na naka-sibilyan na mahuhuling nagsusukbit ng mga armas at tanging mga naka-unipormeng mga awtoridad ang pahihintulutan sa bagay na ito.
Ayon kay Verzosa, kung nakasibilyan ang mga pulis ay dapat sa mga handbags o clutchbags na lamang ng mga ito ilagay ang kanilang mga armas sa halip na idisplay pa sa publiko.
Makakabuti rin ito upang hindi maagawan ng baril ang mga pulis habang nakasibilyang gumagala.
Samantala, ang mga sibilyan naman na mahuhuling nakasukbit ang mga baril ay tatanggalan ng lisensya alinsunod sa prohibisyon ng Permit to Carry Firearms Outside Residence. (Joy Cantos)