PMA Class war gawa ng Bayan Muna?

MANILA, Philippines – Pakana umano ng maka-Kaliwang party-list na Bayan Muna ang pag­kalat ng mga ulat na nag­kakairingan ang mga mi­yembro ng Class 77 at Class 78 ng Philippine Mi-litary Academy.

Ito ang sinabi kaha- pon ng ilang intelligence officers ng militar na nag­sabing pinagmumukha ng Bayan Muna na may mga iringan sa mga sundalo para lumikha ng gulo sa hanay ng militar at pulis- ya.

Kapag anila nahati ang Armed Forces of the Philippines, papasok ang kilusang maka-Kaliwa at magtatayo ng sarili nilang gobyerno.

Naberipika ng mga intelligence agent ng AFP na ang Bayan Muna ang siyang nagpapakalat ng mga tsismis para masul­sulan ang mga disma­yadong miyembro ng mi­litar. Collateral damage lang anila ang Philippine National Police.

Bukod dito, binubun­tutan na ng militar ang Ba­yan Muna, Bagong Al­ yan­sang Makabayan at iba pang leftist organization makaraang ma­­bun­­ yag ang tina­tawag na August Moon na nag­la­ layong pali­tan ang li­de­rato ng AFP. (Butch Que­jada)


Show comments