Class '78 pumoposisyon sa AFP at PNP?

MANILA, Philippines - Ipinoposisyon na ng Masikap Class 78 ng Philippine Military Academy ang kanilang sarili bilang susunod na maimplu­wen­syang grupo sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Ilang miyembro ng Class 77 ang nagsabing hindi nila papayagan ang mga miyembro ng Class 78 na makuha ang mata­taas na posisyon sa AFP at PNP.

Ayon sa ilang sour­ ces, masama umano ang loob ng ilan sa Class ’77 dahil mas napapaboran ang mga graduates ng Class ’78 kung saan adopted nito si Pangu­long Arroyo.

Isang miyembro ng Class 77 na may sen­sitibong posisyon sa AFP ang nagsabing hindi sila papayag na maitsapu­wera. Meron anya silang mga kuwalipikadong opis­­yal na maaaring pu­malit sa mga magre­re­tirong upperclassmen.

Isa pang miyembro ang nagsabing naghihin­tay lang sila ng tamang panahon para sila mapa­kinggan. 

Sinabi pa niya na gi­nu­gulo umano ng Class 78 ang mga tradisyon sa PMA at ang liderato ng militar at pulisya.

Nadedemoralisa na rin umano ang ilang mi­yem­bro ng Class 78 dahil sa awayan ng mga kapwa mistah. (Joy Cantos/Butch Quejada)

Show comments