Pinay sa Hongkong na nagsoli ng P2-milyon pinarangalan

MANILA, Philippines – Sa gitna ng mga naba­ balitaan nating katiwalian sa lipunan, nakagagalak ma­laman na mayroon pa rin tayong mga kababayan na nagpapakita ng kata­patan at kabutihang-loob.

Ito ay ang overseas Filipino worker na si Mildred Perez na kamakailan ay naging laman ng mga balita dahil sa pagsasauli sa may-ari ng halagang P2.1 milyon na natagpuan niya sa isang basurahan sa Hongkong. Marapat lang na bigyan ng parangal ang ganitong uri ng mga tao. Honesty, as they say is God’s grace. Hindi lahat ay mayroon nito pero nakakahawa o naka­pagbibigay ng inspirasyon sa iba para tularan.

Iyan ang tunay na Pili­pino. Bilang pagkilala sa pambihira niyang nagawa, ginawaran si Perez ng “Ulirang Bagong Pilipino Award sa isang simpleng seremonya sa Legend Villas sa Mandaluyong.

“Her inspiring story has captured the imagination of a generation that is seemingly getting used to the marketing pitch that living a good life simply means seeking personal aggrandizement and serving self-vested interests,” ani Bro. Eddie sa awarding ceremony.

Sa harap ng kabi-kabi­lang mga katiwalian, ang mga Pilipino ay nagiging tam­ pulan na ng paglait sa ibang bansa. Pero ang mga kagaya ni Perez ay nagpa­pabulaan sa masamang im­presyon sa isip ng mga ma­mamayan sa ibang bansa.

Cash ang perang napu­ lot ni Perez na maaari ni­yang angkinin lalu pa’t ma­ralita lamang siya kaya nagtrabaho sa HK at sa kasamaang palad ay naalis pa sa trabaho.

Ang bag ay naglalaman ng HK$350,545 or about P2.1-million. Walang agam-agam na ibinalik niya ang salapi sa may-ari.

Si Perez ay kasapi ng BPBPM-Hong Kong at ng Jesus Is Lord Church-Hong Kong.

Show comments