Mga sundalo sa Mindanao mauubusan na ng bala

MANILA, Philippines – “Mauubusan na kami ng bala”… Ito umano ang rekla­ mong natanggap ng dating pulis, NBI Agent at dating Alkalde ng Pagsanjan Laguna na si Abner Afuang mula sa mga sundalong lumalaban at tumutugis sa mga miyembro ng Abu Say­yaf sa Mindanao bun­sod na rin ng kabiguan uma­no na bumili ng bala sa ibang bansa.

Sinabi ni Afuang, dapat sana ay mayroong darating na supply ng iba‘t -ibang uri ng bala noong nakaraang Marso, base sa nakaraang bidding noong Enero na isinagawa ng Bids and Awards Committee (BAC).

Aniya, posible uma­nong “ibinulsa” ng ilang tiwaling opisyal ang pondo na pambili ng mga bala kaya walang nakarating sa mga sundalong lumalaban sa “giyera” sa Mindanao.

Sa ngayon, ani Afuang ay posible sumiklab ang malaking “kaguluhan” sa Mindanao kaugnay ng su­nod sunod na pambo­bomba sa iba`t ibang lugar na umano`y kagagawan ng mga terorista na nais iwalay ang Mindanao sa mapa ng Pilipinas. (Mer Layson)


Show comments