Rent Control Law aprub na

MANILA, Philippines – Nilagdaan na kahapon ni Pangulong Arroyo ang Rent Control Law of 2009 na magbibigay ng isang taong moratorium sa pagtataas ng singil sa mga nangungu­pahan ng bahay.

Nakapaloob din sa bagong batas na hanggang sa 7 percent ceiling lamang ang susunod na adjustments hanggang sa December 31, 2013.

Sakop ng moratorium ang mga bahay na pa­upahan, apartments, boarding houses, dormitoryo at room at bed spaces.

Tinatayang aabot sa 1.6 milyon pamilya ang na­ngungupahan. (Rudy Andal/Angie dela Cruz)


Show comments