MANILA, Philippines - Patay na ang sundalong bumaril kay Rolando Galman, at umano’y “gunman” din ni dating Senador Benigno Aquino.
Si Sgt. Rolando de Guzman ay namatay matapos itong ma-stroke sa edad na 57 sa East Avenue Medical Center.
Personal na nakiramay at dinalaw kahapon ni Public Attorney Office (PAO) Chief Persida Acosta ang mga labi ni de Guzman na kasalukuyang nakaburol sa Barangay 604 Sta. Mesa, Maynila, subalit ano mang araw mula ngayon, ang mga labi ay dadalhin sa kanilang lalawigan sa Pangasinan.
Si de Guzman, sa tulong ng PAO ay nakalaya mula sa NBP noong Pebrero 6, 2009 sa pamamagitan ng commutation.
Matagal na itong mayroong ‘severe hypertension’ at apat na ulit ng stroke at nanatili sa NBP hospital noong nakapiit pa ito.
Matatandaan na si de Guzman ay isa sa 15 sundalong nasangkot sa Aquino-Galman double murder case noong August 21,1983.
Bukod kay de Guzman, una ng namatay sina dating Brig. General Lu ther Custodio, Sgts. Cordova Estello at Mario Lazaga. (Gemma Amargo-Garcia)