MANILA, Philippines – Tumanggap ng 10 minutong standing ovation si Defense Secretary Gilbert Teodoro mula sa mga estudyante sa isang leadership forum na inorganisa ng Confederation of Student Governments of the Philippines bilang paghanga sa kahusayan niya sa pagsagot sa mga tanong sa kanya ng mga dumalong estudyante.
Sinagot ni Teodoro ang mga tanong ng mga mag-aaral na umabot ng dalawang oras buhat sa ibat-ibang mga isyu mula sa paano magagapi ang kahirapan, pag tataas ng antas ng edukasyon, pagsasa-ayos ng mga serbisyong medikal, pagsugpo sa korupsyon, pagrebisa sa VFA, problema sa Spratlys at marami pang iba.
Ayon kay Teodoro, ang dapat maging pangunahing layunin ng bansa ay pataasin ang pagkolekta ng buwis sa pamamagitan ng pagpapalawak sa opurtunidad sa pamumuhunan at pagnenegosyo. Magagawa lamang anya ito kung magkakaroon ng kapayapaan at kaayusan sa bansa. Idinagdag pa niya na, mapapalawak lamang ang opurtunidad sa pamumuhunan at pagnenegosyo kung magkakaroon ng pagbabago sa konstitusyon.
Batay sa datus na nakalap bago at matapos ang pagtitipon, tumaas ang acceptance rating ni Teodoro sa mga taong nagsidalo. Mula 20% bago ang pagtitipon, umakyat ito sa 85% matapos itong magsalita. (Butch Quejada)