Walang harassment kay Belo - NBI

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi kaha­pon ng National Bureau of Investigation na hi­ narass nila si Dr. Vicki Belo, nang puntahan ang bahay nito sa Dasma­rinas, Village, sa Makati noong nakaraang Hunyo 23.

Iginiit ni NBI spokesman Atty. Allan Contado na ang pagtungo ng NBI sa bahay ni Belo ay isang regular na imbestigasyon para alamin ang authenticity ng mga dokumentong isinu­mite sa NBI kaugnay sa pagkaka­sangkot ng cosmetic surgeon sa kaso ng Hayden-Katrina sex video scandal.

Reaksiyon ito ng NBI sa akusasyon ni Atty. Adel Tamano, abogado ni Belo, sa harassment umano sa kanyang kliyente nang maghalughog ang grupo ng NBI bilang paglabag sa right to privacy.

Aniya, ang pagtungo ni Head Agent Palmer Mallari, executive officer ng Anti-Fraud and Computer Crimes (AFCCD), Christian Ibasco at Glenn Nolacio ay upang makita ang orihinal na security logbook at makapanayam ang security guards doon kaugnay sa mga photocopy lamang na logbook na isinumite ni Belo.

Nilinaw din ng NBI na hindi naman umano pina­sok ang bahay ni Belo bag­kus ay sa gate lamang at walang intensiyon na ha­lughugin ang bahay ng doktora.

Dahil lamang sa umu­ulan umano kaya sila pina­pasok ng gate ng mga gu­wardiya. (Ludy Bermudo)


Show comments