MPD handa na sa constitu­tional assembly rally

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Manila Po­lice District (MPD) na handa na sila sa gagawing rally ng mga anti-Constitu­tional Assembly na ga­gawin sa Hulyo 30 sa May­nila na ina­asahang lalahu kan ng mga mula sa catho­lic schools at col­leges tulad ng Pamanta­san ng Lung­sod ng May­nila (PLM), Adamson, Letran gayundin ang multi-sectoral group at maging ang militanteng grupo.

Sa pakikipagpulong nina Fr. Joe Dizon at Re­nato Reyes ng Bagong Alyan­sang Makabayan (BAYAN) kay Secretary to the Mayor Atty. Rafaelito Garayblas at MPD director Chief Supt. Rodolfo Mag­tibay, sinabi nito na naka­antabay ang lahat ng mga station commanders at ma­­ging ang mga pulis upang matiyak na walang anu­mang gulo habang nagsasagawa ng paglakad patungong Liwasang Bo­nifacio.

Ayon naman kay MPD-Station 4 Commander Sr. Supt. Frumencio Ber­nal, wala namang re-routing na gagawin ang MPD at sa halip ay baban­tayan at igigiya lamang nila ang daraanan ng mga raliyista.

Sinasabing dadaan ang mga raliyista sa Bus­tillos at kakanan ng Le­garda at saka muling ka­kanan ng  Recto at kaliwa ng Quiapo patungo naman ng Liwa­sang Boni­facio. Kailangan lamang umanong maging maayos ang daloy ng trapiko at walang mape­perwisyo. (Doris Franche)

Show comments