MANILA, Philippines - Inosente ang National Bureau of Investigation agent na si Junnel P. Malaluan na sinasabing lider ng kidnap-for-ransom group kung saan maging ang kanyang asawa at iba pang kasamahan ay kinasuhan sa piskalya sa Cavite.
Ito ay sinisiguro ng abogado ni Malaluan na si Atty. Toto Causing ng Renta Pe and Associates, kung saan nag sabing imposible na magawa ni Malaluan ang krimen sapagkat hindi nito maatim na mangidnap at dalhin pa sa sariling bahay ang kinidnap.
“Walang kidnaper na magdadala ng kanyang biktima sa sarili niyang bahay at malalagay sa panganib ang dalawang anak,” ayon pa sa mga abogado ng law firm.
Maging ang kuwento ng biktimang kinidnap na siya ay hiningan ng P.3 milyon ay kasinunga lingan dahil isa lang traysikel drayber.
Wala namang na banggit ang biktima sa isinumiteng sinumpaang salaysay na namataan niya si Malaluan sa loob ng kanyang bahay kung saan sinasabing binihag ng limang araw.
Ilegal ang follow-up raid kung saan kinuha ang kasambahay ni Malaluan, best friend na babae ng kanyang misis at ang dalawang anak sapagkat ang 20 oras na lumipas bago gumawa ng pag-aaresto ay ipinagbabawal sa follow-up arrest o follow-up search.
Imposible rin nakasama si Malaluan sa kidnapping dahil sa ang scorebook mismo ng basketball tournament ng NBI ang magpapatunay na naglalaro siya nang oras na iyon.
“Makakaasa ang lahat na nagpapalamig lamang si Malaluan at siya ay haharap anumang oras kung ipatawag sa preliminary investigation ng Cavite Provincial Prosecutor’s Office,” pagtiyak ni Causing.