MANILA, Philippines – Tatlong tripulanteng Pinoy ang kabilang sa mga sakay ng isang New Zealand flagged vessel na na-hijacked ng mga hinihinalang Somali pirates na nag-o-operate sa karagatang sakop ng Oman.
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang pagkakabihag sa tatlong Pinoy na hindi muna pinangalanan noong Hunyo 13.
Bunsod ng bagong pagdukot, umabot na ngayon sa 47 ang bilang ng mga Pinoy seafarers na hawak ng mga pirata sa Somalia.
Ayon sa DFA, naipabatid na ng local manning agency ng barko sa pamilya ng mga Pinoy ang kanilang sinapit.
Masusi na rin umano silang nakikipag-ugnayan sa kanilang principal sa New Zealand para sa pagpapasilidad ng agaran at ligtas na paglaya ng mga tripulante. (Ellen Fernando/Mer Layson)