MANILA, Philippines - Nagpahayag ng kalungkutan si Manila Vice Mayor Francisco Moreno sa umano’y pamumulitika sa selebrasyon sa paggunita ng ‘Araw ng Kalayaan’ kung saan nabastos ang mga halal na lokal na opisyal ng Maynila.
Ayon kay Moreno, siya ang kumatawan kay Mayor Alfredo Lim na kasama si Defense Secretary Gilbert Teodoro upang bigyan pugay at respeto ang mga revolutionary at veteran na lumaban sa kalayaan ng bansa.
Iginiit ni Moreno, maging si 5th district Congressman Amado Bagatsing ay hindi pinagsalita ng organizer o ng “Lupon ng Araw ng Kalayaan 2009.”
“Pati ba naman `yung Araw ng Kalayaan, pinulitika? KSP (Kulang sa Pansin) ba ang tawag dun? O mahigpit ang pangangailangan sa media mileage? Basta ako, hindi nakasuot ng nakabulaklakin,” ani Moreno. (Doris Franche)