MANILA, Philippines – Inaresto ng Bureau of Immigration ang isang umano’y illegal recruiter na Jordanian national matapos isumbong ng kanyang asawang Pilipina na kanyang inabandona.
Sa ulat ni Assistant commissioner for Inte-lligence and Security Alberto Braganza kay Immigration commissioner Nonoy Libanan, kinilala ang suspek na si Faris Al-Kawadri, 29 anyos, na naaresto sa kuwarto nito sa Great Eastern Hotel sa Makati City.
Maituturing din na isang undesirable alien ang suspek dahil sa pag-abandona niya sa kanyang Pinay na asawa na ngayon ay buntis sa kanilang pangalawang anak.
Mismong ang kanyang asawa umano ang nagsumbong sa BI ng mga illegal na aktibidad ni Al-Kawadri matapos itong magsampa ng reklamo dito dahil sa pag aban dona ng suspek at hindi pagbibigay ng pi-nansyal na suporta sa kanilang anak at ngayon sa dinadala nito simula ng dumating ito sa bansa noong Abril ng nakaraang taon.
Narekober mula sa kuwarto ng suspek ang passports ng tatlong Pilipina mula sa Maguindanao, South Cotabato at Cagayan.
Inamin naman nito na ang mga nasabing passports ay binigay ng isang placement agency mula sa Ermita para i-proseso at maipadala ang mga Pilipina sa Saudi Arabia bilang mga contract workers. (Gemma Amargo-Garcia)