MANILA, Philippines - Minaliit lamang ng mga debotong Katoliko ang banta ng influenza A H1N1 virus matapos na dagsain pa rin ang mga simbahan kahapon para makinig ng misa lalo na sa mga Simba hang sakop ng Archdiocese of Manila.
Sa ilang simbahan sa Maynila, hindi na inanunsyo sa kasagsagan ng misa ang hindi paghahawak kamay sa pag-awit ng “Ama Namin” at pagtanggap ng komunyon sa pamamagitan lamang ng kamay.
Gayunman, kahit hindi na ipinaalala, karamihan sa mga nagsisimba ay nagkusa nang gawin ang mga nasabing hakbang para makaiwas sa A H1N1.
Sa halip na maghawak-hawak ng kamay sa pag-awit ng “Ama Namin”, itinaas na lamang ng mga nagsisimba ang kanilang mga kamay.
Hndi na rin sila tumanggap ng komunyon mula sa Pari at sa mga Lay Minister nang direkta sa kanilang mga bibig.
Ipinanawagan kama kailan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga deboto ang paghinto sa paghahawak kamay at pagtanggap ng Banal na Ostiya sa pamamagitan ng bibig bi lang pag-iingat laban sa naturang sakit. (Doris Franche)