Klase sa UST, FEU ipinagpaliban

MANILA, Philippines - Titiyakin muna ng pa­ munuan ng University of Sto. Tomas (UST) at ng Far Eastern University (FEU) na ligtas ang kani­lang mga estudyante at faculty members laban sa AH1N1 kung kaya’t ipinag­paliban  ang pagbubukas ng klase.

Ayon kay Fr. Isidro Aba­no, secretary general ng UST, layon ng nasabing suspensyon na mabig­yang pagkakataon ang mga estudyante, staff, faculty members at administrators na obserbahan muna ang kanilang mga kondisyong pang-kalusu­gan partikular na ang mga nagbiyahe sa ibang bansa.

Nabatid na sa halip na sa Hunyo 8 ang opening ng classes sa UST ay itinakda sa Hunyo 15 habang sa Hunyo 17 naman magba­balik-eskwela ang mga estudyante ng FEU.

Pinayuhan din ng pa­munuan ng UST ang mga estudyante at staffs nilang nagbiyahe sa abroad, na samantalahin ang suspen­syon para magkapag-self quarantine.

Sinuspinde rin pansa­mantala ang mga klase sa elementary at high school departments ng UST, na magbabalik-es­kwela sa Hunyo 15.

Ang lahat naman ng estudyante, support staff, faculty members at administrators ng UST na bumi­yahe sa ibang ibayong dagat at kababalik lamang sa Pilipinas simula noong Lunes (Hunyo 1) ay pinag­susumite ng kanilang mga pangalan kasama na ang University ID numbers sa UST Health Service.

Sa panig naman ng FEU, tiniyak ni Archbishop Miguel Carpio, vice-president for academic affairs ng unibersidad, na nanana­tiling A H1N1 free pa rin ang FEU.

Ipinaliwanag din nito na ang desisyon ng pamu­nuan ng FEU na ipagpa­li­ban ang pagbubukas ng kla­se ay bahagi lamang nang ipina­ tutupad nilang “preventive measures” laban sa sakit. (Doris Franche)

Show comments