Lakas member kumalas dahil sa constituent assembly

MANILA, Philippines – “Ang katapatan ko sa partido ay nagwawakas kung saan nagsisimula ang katapatan ko sa bayan.”

Ito ang binitiwang salita ni Konsehala Fe Ramos ng Sta. Maria, Bulacan sa kanyang privilege speech bago nagbitiw bilang miyembro ng Lakas-CMD sa naturang bayan.

Ayon kay Konsehala Fe, hindi na niya masik­mura ang sistemang puliti­kal ng Lakas-CMD sa kan­yang bayan at sa buong bansa kaya siya nagpas­yang magbitiw sa partido, lalo na nang mas bigyan ng prayoridad ng mga kapartido niyang kongre­sista ang Constituent Assembly (Con-Ass) para sa Chacha kesa ipasa ang mga batas para sa mga magsasaka tulad ng Comprehensive Agrarian Reform Program with Extensions and Reforms (Carper).

Si Konsehala Fe, na ang mga magulang ay mula sa hanay ng mga mag­ sasaka ay nagsabi na ang pagkakaalam niya, ang partiduhan ay tuwing pana­hon lamang ng elek­syon at pagkaraan ay pan­tay-pantay na ang pagli­lingkod sa mamamayan, pero sa nakikita niyang sistema ng Lakas-CMD ay mas inu­una nito ang kapa­kanan ng partido, kesa kapakanan ng mamamayan.

Show comments