Mar, mamamanhikan na kay Korina sa Sabado

MANILA, Philippines – Mamamanhikan na si Sen. Mar Roxas sa long-time girlfriend na si Korina Sanchez sa darating na Sabado.

Inihayag kahapon ni Roxas na pormal na niyang hihingin ang ka­may ni Korina sa mga ka­mag-anak nito upang maitakda na ang kanilang kasal.

Sisiguraduhin din uma­­no niya sa mga ka­mag-anakan ni Korina na ma­ ma­halin niya ito “kaha­pon, ngayon at hanggang bu­kas”.

Nagbiro pa si Roxas na ipagdasal siya para hindi mabulol habang hinihingi ang kamay ni Korina.

Anya, matagal na ang relasyon nila ni Korina at siguradong hindi naman ito ang dahilan kung bakit biglang tumaas siya sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Hindi naman umano ma­babaw ang pananaw ng mga Pinoy para ibase la­mang sa relasyon nila ni Ko­rina ang pagsuporta sa kanya.

“Sa palagay ko hindi na­man ganun kababaw ang mga kababayan natin. Siguro nakita nila ang la­man ng aking puso at si­nuklian nila ito ng dagdag na tiwala para sa atin,” sabi ni Roxas.

Nakapagtala ng limang porsiyentong pagtaas sa hanay ng mga presiden­tiables si Roxas na amina­dong tatakbong presidente sa 2010. (Malou Escudero)


Show comments