Lacson lumilikha ng imahe

MANILA, Philippines – Tila umano gumagawa ng magandang imahe si Senador Panfilo Lacson sa patuloy na hindi nito pag­kibo sa Dacer-Corbito murder case.

Ayon kay Confederation of Government Employees Organizations Chairman Atty. Jesus Santos, dapat na harapin na lang ni Lacson ang naturang kaso at tigilan na nito ang pagmamaniobra ng isyu sa ilang kalaban sa politika.

Iniinsulto din umano ni Lacson ang kanyang dating tauhan na si Cesar Mancao sa pag-aalok nito ng libreng legal assistance sa kanyang ipalalabas muling pahayag hinggil sa naturang kaso.

“Wala naman sigurong matinong tao na tatanggap ng libreng legal assistance mula sa taong kanyang ina­aku­sahan na sangkot sa krimen,” sabi ni Santos.


Show comments