Appointee sa LTO hinanapan ng rekord

MANILA, Philippines – Iginiit ng mga empleyado ng Land Transportation Office-Iligan City kay LTO Chief Arturo Lomibao na magtalaga lamang ito ng mga tauhang kuwalipikado at may malinis na record para sa mas mataas na posisyon.

Sinabi ng mga empleyado na mas kuwalipikado sa posisyon at nasa salary grade 15 si Transportation Regulation Officer II Ali Datumanong dahil ito ang next in line bilang kapalit ng magreretirong si Rodrigo Esmadi, hepe ng Iligan City-LTO.

Tinututulan nila ang sinasabing pagtatalaga kay LTO-Tubod, Lanao del Norte Chief Pando Pangandag bilang kapalit ni Esmadi dahil umano walang magandang rekord ang una. (Angie dela Cruz)


Show comments