MANILA, Philippines – Inaasahang magkakaharap sa Senado sa Huwebes, Mayo 28, ang kontrobersiyal na cosmetic surgeon na si Dr. Hayden Kho at aktres na si Katrina Halili ka ugnay sa gagawing imbestigasyon ng Senado sa sex scandal ng dalawa.
Bandang ala-1:30 ng hapon inaasahang maghaharap sina Halili at Kho na ipinatawag ng Senate Committee on Youth, Women, and Family Relations ni Senator Jamby Madrigal at Public Information and Mass Media committee ni Sen. Alan Peter Cayetano.
Kasama rin sa inimbitahan sa pagdinig ng Senado ang nobya ni Kho na si Dr. Vicki Belo at ang isa sa nakatalik niya sa sex video ang model na si Maricar Reyes.
Ipinatawag din si Eric Chua na naakusahang siyang nagpakalat ng sex video.
Ang imbestigasyon ng Senado ay base na rin sa privilege speech ni senador Ramon “Bong’ Revilla Jr. na bumatikos sa sex video ni Hayden kasama ni Halili at ng iba pang mga babae na nagkalat sa internet.
Ang imbestigasyon kina Kho at Halili ay ipinadala ng Senado sa kani-kanilang abogado.
Inireklamo ni Halili na kinunan ni Kho ng video ang kanilang pagtatalik nang lingid sa kanyang kaalaman at ang naturang sex video ay kumalat sa internet. (Malou Escudero)