MANILA, Philippines - Marami pa umanong sex video ang kontrobersiyal na doctor na si Hayden Kho na hindi lumalabas sa publiko kung saan kasama ang isang beauty queen at ilang kilalang artista.
Ayon kay Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., hindi na dapat paniwalaan ang sinasabi ni Kho lalo pa’t nauna na niyang itinanggi na may sex video sila ni Katrina Halili pero lu mabas na nagsisinungaling siya.
Umaasa si Revilla na hindi na lalabas sa publiko ang iba pang sex video ni Kho sa beauty queen at ilang artista upang hindi masira ang buhay ng mga ito.
“Totoo iyon, mayroon pang isang beauty queen. Actually may ilan ilan pang artista. Sana huwag nang lumabas ang mga video na iyan,” ani Revilla.
Hindi rin nagustuhan ni Revilla ang balitang nakarating sa kanya na hindi sinsero si Kho sa paghingi ng tawad sa mga naging biktima niya dahil nagpa-awa effect lamang ito sa pag-asang makakalusot sa patong-patong na reklamo laban sa kanya.
May mga nakakita umano na pagkatapos mag-sorry ni Kho sa harap ng camera ay nagtawa ito sa isang tabi.
Posibleng isa umano sa gagamiting istratehiya ni Kho ang isisisi ang pagpapakalat ng video sa sinasabing kaibigan nito na nakakuha ng mga sex video.
Una rito ay kinumpirma mismo ni Atty. Adel Tamano, ang abugado ni Dra. Vicki Belo, na may sex video din ang kanyang kliyente sa ex-boyfriend na si Hayden.
“This was a purely private video, it was not intended for anyone else to see. This was between two consenting adults and the agreement between Dr. Belo and Dr. Kho was pagkatapos ishoot yung video at mapanood nila, immediately it would be deleted,” paglilinaw ni Tamano sa isang press conference kamakalawa ng gabi.
Ginawa ni Tamano ang pahayag matapos silang makatanggap ng impor masyon na mayroong kumakalat na sex video sina Dra. Belo at Kho.
“We confirm that there is such video,” ani Tamano.
Sa susunod na linggo ay maghahain na si Belo ng kanyang counter-affidavit sa NBI.
Nagpahiwatig na rin ang kampo ni Kho at ni Engr. Eric Johnston Chua na lulutang na sa NBI ngayong Lunes. (Malou Escudero/Ludy Bermudo)