Wagayway, kalayaan festival ipagdiriwang

CAVITE, Philippines - Puspusan ang paghahanda ng provincial government para sa pagdiriwang ng Kala­yaan Festival at Wagay­way Festival bilang pag­gunita sa mahalagang bahagi ng kasaysayan.

Itinuturing na mother of all festivals ang Kalayaan Festival sa Hu­webes (Mayo 28) kung saan na­kasentro ang pag­diriwang sa bagong tatak na Ca­vite: Be part of the Re­volution upang hi­ka­yatin ang mga Caviteño na makibahagi sa makaba­gong rebolus­yon tungo sa kaunlaran.

Samantala, ipagdiri­wang naman ang Wagay­way Festival sa bayan ng Imus sa Sabado (Mayo 23) kung saan may temang - Isang Bansa, Isang Ban­dila, Isang Wagayway.

Pinakatampok na ba­hagi ng pagdiriwang ang pagsasadula ng Labanan sa Alapan (Encuentro) sa Imus town plaza sa ganap na alas-10 ng umaga. Sa pagtatapos ng Wagayway Festival ay ang hudyat ng pagsisimula naman ng Kalayaan Festival sa pa­ma­magitan ng longest flag wave (Bayanihan Tungo sa Kaunlaran) sa kaha­baan ng Aguinaldo Highway mula SM Bacoor hang­­gang SM Dasma­riñas. Biyernes ng umaga (Hunyo 12), sisimulan ang pagdiri­wang sa Aguinaldo Shrine sa Kawit ng tradis­yonal na flag raising ceremony at susundan ng pag­sasadula ng himag­sikan sa Cavite. Kabilang din sa pagdiriwang ang marching band competition na gaga­napin sa Free­dom Park. (Arnell Ozaeta)


Show comments