House probe vs Kho ikinasa

MANILA, Philippines – Ikinasa na kahapon ni Quezon City Rep. Nanette Castelo Daza ang isang House probe laban kay Dr. Hayden Kho upang ma­bigyan hustisya ang mga biktima sa kanyang sex videos.

Pinayuhan ni Daza, chairman ng committee on women and gender equality, si Kho na ihanda ang sarili sa napipintong im­bes­­ti­gasyon ng Kongreso dahil siguradong gigisahin nang husto ang naturang mang­gagamot sa kan­yang parti­sipasyon sa pang-aabuso laban sa kababaihan at paglabag sa kanilang mga kara­patan.

Si Kho ang “talk of the town” ngayon matapos nitong ilantad sa internet ang kanyang mga sex videos kasama ang ilang mga kababaihan kabilang ang sexy actress na si Katrina Halili.

Pinuri naman ni Daza ang tapang ni Halili na anya ay kinakailangan upang labanan ang mga katiwalian laban sa kaba­baihan.

Nangako naman si Daza na bibigyan niya ng kaukulang proteksiyon ang mga biktima ni Kho hang­gang maresolba ang kaso at mabigyan ng hus­tisya ang mga nasa­bing kaba­baihan. (Butch Quejada)


Show comments