Erap panauhin sa 'Tindahan ni Aling Puring'

MANILA, Philippines - Si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada ang panauhing panda­ngal sa panimula ng ika­apat na “Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Convention” ng Puregold sa World Trade Center sa Mayo 21-23. 

Nagpasalamat si Puregold Price Club President Aida de Guzman sa pagpapaunlak ni Estrada sa kanilang imbitasyon. Layunin nila rito na hika­yatin na dumami pa ang mga retailer o entrepreneur na Pilipino.      

Dadalo rin sa okasyon ang negosyanteng si So­corro Ramos na taga­pundar ng National Book Store at magbabahagi ng sarili nitong karanasan sa pagnenegosyo.

“Isasagawa din ang Puregold Job Fair para sa mga mahal sa buhay ng mga Aling Puring members na nais mag-apply sa mga job openings sa aming 30 na tindahan at sa mga bagong tindahan na ita­tayo namn,” sabi ni Guz­man.

Eksklusibong bukas ito para sa mga 150,000 mi­yembro ng Puregold sa Mayo 21 at 22 samanta­lang sa Mayo 23 ay bu­buksan na ito sa publiko.

Show comments