MANILA, Philippines – Inaprubahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagkakaloob ng 10,000 cash incentives sa sinumang makakakumbinsi sa mga rebelde na sumuko sa pamahalaan sa ilalim ng Social Integration Program.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Avelino Razon Jr., inihahanda na ng National Committee for Social Integration ang patakaran sa insentibo.
Kasabay nito, 22 rebeldeng New Peoples Army na nagbalik-loob sa pamahalaan ang binigyan ng Pangulo ng tig-P20,000 bawat isa bilang panimula ng kanilang pagbabagong-buhay. (Rudy Andal)