Lazaro aayudahan ng NPC sa laban vs GSIS

MANILA, Philippines - Nag-alok ng tulong ang National Press Club sa batikang broadcast journalist na si Cheche Lazaro sa kanyang “legal battle” sa Government Service Insurance System dahil sa mga implikasyon nito sa mala­ yang pamamahayag.

Sa lingguhang “No Holds Barred” media forum, sinabi ni NPC President Benny Antiporda na narara­pat na pagkalooban ng hindi matatawarang supor­ta si Lazaro ng NPC na pinakamalaking organisas­yon ng mga mamamaha­yag dahil sa malinaw na pangha-harass sa kanya ng GSIS para itigil nito ang paglalabas ng istorya tungkol sa mga umano’y tiwaling ga­wain ng kanilang mga opis­yal.

Sinabi pa ni Antiporda na maituturing na paniba­gong “David and Goliath” ang labanang ito nina Lazaro at ng GSIS.

Nabatid na nahaharap si Lazaro sa kasong pag­labag sa Republic Act 4200 o Anti-Wiretapping Law sa Pasay City court na isi­nampa ni Ella Valencerina, GSIS vice president for public relations and communications, dahil sa uma­no’y hindi awtorisadong pagsasahimpapawid ng bahagi ng kanilang usapan sa TV program na “Probe” na lingguhang napapanood sa ABS-CBN network.

Sa naturang episode na pinamagatang “Perwis­yong Benepisyo” na ipinalabas noong Nob.12, 2008, ipi­na­kita si Lazaro ha­bang kinakapanayam ang GSIS official sa tele­pono.

Iginiit naman ni Lazaro na ipinabatid niya kay Valencerina at pumayag ito sa naturang telephone interview na tumatalakay sa mga reklamo ng mga guro sa pampublikong paaralan na patuloy na pinagka­kaitan ng kanilang mga benepisyo ng naturang pension fund subalit sapi­litan siyang pinagbabayad ng buwanang kontribus­yon. (Butch Quejada)

Show comments