MANILA, Philippines – Negatibo ang resulta ng isinagawang pagsusuri sa pitong katao sa AH1N1 virus na dinala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ayon kay Dr. Remy Olveda, executive director ng RITM, negatibo sa virus ang pito na kinabibilangan ng tatlong Filipino at apat na dayuhan na pawang mula sa mga bansang apektado ng AH1N1 virus tulad ng Japan, Australia at Estados Unidos.
Anumang oras ay maaari nang palabasin ang pito mula sa pagamutan mata pos na ideklarang ligtas.
Una nang dinala ang pito sa RITM matapos na matukoy sa pagdaan sa thermal scanner sa NAIA na may mataas na temperature.
Kasabay nito ay muling tiniyak ni Olveda na ligtas pa rin sa AH1N1 virus ang Pilipinas. (Doris Franche)