59 OFWs bibitayin

MANILA, Philippines – Ibinunyag kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umaabot sa 59 na manggagawang Pinoy na kasalukuyang nakadetine sa ilang ban­sa ang nahaharap sa pa­rusang bitay o kamata­yan.

Ayon kay DFA Under­secretary Esteban Cone­jos Jr.,  ang mga naturang Pinoy ay sangkot sa mga kasong panggagahasa, drug smuggling at pag­patay sa mga bansang China, Malaysia, Kuwait, Brunei, United States at Saudi Arabia.

Batay sa data ng Philippine foreign posts, sinabi ng DFA official na simula noong Enero 2006, may kabuuang 87 Pinoy ang nakahanay sa death row.

Sa nasabing bilang, 28 ang na-commute o napababa ang parusa at 12 dito ang napayagang makauwi ng Pilipinas matapos na mapagsil­­bihan ang kanilang sen­tensiya.

Ang 10 umano sa kaso ng mga Pinoy na pawang may katapat na parusang kamatayan ay nasa preliminary investigation pa lamang habang ang 49 na iba pa ay na­kabinbin sa mga huku­man.

Tiniyak naman ng DFA na ang lahat ng mga naturang manggagawang Pinoy ay kanilang pinag­kakalooban ng kaukulang tulong.


Show comments