PSG may bagong hepe

MANILA, Philippines – Ibinunyag kahapon ng isang Malacañang offi- cial na magkakaroon ng ba­gong hepe ang Presidential Security Group (PSG) at ga­ganapin ang turn-over sa Cebu ka­sabay ng Cabinet meeting ni Pa­ngu­long Arroyo.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, ang turn-over ceremonies ay gaganapin sa Cebu kung saan ay magdaraos ng Cabinet meeting ang Pa­ngulo sa Martes.

Tumanggi naman si Sec. Remonde na magbi­gay ng anumang detalye kung sino ang papalit kay B/Gen. Celedonio Boqui­ ren Jr. na kasalu­ku­yang PSG chief.

Samantala, lalagdaan ng Pangulo ang tourism bill sa Cebu na naglala­yong mapalakas ang sector ng turismo.

Nakatakda ring pasi­na­yaan ang bagong Imperial Palace Hotel sa Cebu. (Rudy Andal)


Show comments