38 OFWs namamalimos sa Qatar!

MANILA, Philippines – May 38 OFWs ang nagmistulang mga pulubi matapos na mamalimos sa lansangan sa Qatar. 

Sa report na ti­nang­gap ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang 38 OFWs ay pawang biktima ng panloloko ng isang recruitment agency sa Pili­pinas.

Ayon sa OWWA, na­mamalimos na lamang sa lansangan ang mga OFWs dahil sa kakapu­san ng makakain kabilang na dito ang Pinoy worker na nakilalang si Nelson Ebreo.

Nagsampa na ng kaso sa Labor Court ng Qatar noong Marso ang mga OFWs na kasalukuyang kinukupkop ng Welfare Office na nakabase sa Qatar at Embahada ng Pilipinas laban sa kanilang recruitment agency at hiwalay din na kaso sa kanilang employer.

Kasunod nito, mag­sasagawa ng imbestigas­yon ang OWWA sa Pasay City laban sa SML Human Resource Inc., ang recruitment agency na umano’y nanloko sa 38 OFWs. (Ellen Fernando)


Show comments