MANILA, Philippines - Dahil sa pagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan ng Baguio City, 33-Koreano ang binigyan ni Bureau of Immigration Commissioner Marcelino LIba nan ng certificates of Special Visa for employment generation na isinagawa sa Inagurasyon ng BI-Field Office dito.
Umaasa si Libanan na dahil sa SVEG ay maraming negosyante ang mag-aapply para makakuha ng visa na magreresulta naman ng maraming trabaho para sa mga Pinoy.
Kasabay nito, hindi pinapasok sa NAIA ang Japanese national na si Takane Ikeda dahil sa pagiging blacklisted nito. Ito ay nagpakilala bilang secretary general ng International Organization Against US Imperialism, ngunit ng suriin ang pangalan nito, ay lumabas na kabilang sa blacklisted dahil sa pagsali sa kilos-protesta laban sa RP-US Balikatan Exercises pitong taon na ang nakalilipas. (Butch Quejada)