MANILA, Philippines - Isang Pinay ang nahaharap sa parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad sa Taiwan dahil sa kasong murder.
Nabatid na sa Mayo 4 na ang itinakdang pagbaba ng hatol ng Taiwan Apellate Court kay Cecilia Alcaraz, isang guro sa Laguna na unang nag-plead ng not guilty sa pagpatay sa kanyang job broker noong Setyembre 2007.
Bunsod nito, humingi na ng saklolo kay Pangulong Gloria Arroyo at sa Department of Foreign Affairs ang dalawang anak ni Alcaraz na sina Jherome,18 at Efhraim, 16 na makialam na sa kaso ng kanilang ina dahil sa pangambang mahatulan ng firing squad.
Umaasa at dinadalangin ng pamilya Alcaraz na mapapawalang-sala ang nasabing OFW sa nasabing murder case.