Pondo ng mga pulitiko sa eleksiyon, ibigay na lang sa mahihirap - obispo

MANILA, Philippines - Bunga na rin ng mga naglalabasang political ads, umapela si Palo, Leyte Archbishop Jose Palma sa mga pulitiko na ilaan na lamang sa social services ang kanilang mga naglalakihang pondo kung saan mas marami ang makikinabang.

Ayon kay Palma, mas makakabuting i-convert na lamang ang mga pon­do upang makatulong sa mga mahihirap. 

Sinabi ni Palma, ma­ituturing na pagwawaldas ng salapi ng ilang mga pu­litiko na hindi ina-alinla­ngan ang nararanasang krisis sa ekonomiya.

Kasabay nito hiniling din ni Palma sa pamaha­laan na ipatupad ang polisiya hinggil sa tamang paggastos ng political funds. (Doris Franche)


Show comments