MANILA, Philippines - Nagbitiw ang maybahay ni Senate President Juan Ponce Enrile bilang ambassador sa Vatican.
Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, tinanggap ni Pangulong Arroyo ang resignation ni Ambassador Cristina Ponce Enrile dahil sa karamdaman nitong chronic fatigue syndrome.
Ipinalit naman si Ma. Mercedes Reinares Arrastia Tuazon bilang bagong ambassador sa Vatican.
Ayon kay Ermita, ipinadala na ng Malacanang ang papeles ni Tuazon sa Commission on Appointments (CA). (Rudy Andal)