Mainit sa Semana Santa

MANILA, Philippines - Ayon kay Nathaniel Cruz ng weather branch ng Philippine Atmos­pheric Geophysical and Astronomical Services Administration, mainit ang panahon ng Semana Santa dahil sa easterly wave na galing sa Pasi­piko.

May paminsan min­sang ulan naman sa hilagang Luzon at silangang ba­hagi ng bansa dahil sa cold front

Wala naman anyang sama ng panahon na pa­pasok sa bansa hang­gang sa pagtatapos ng linggong kasalukuyan.

Sinabi pa ni Cruz na tanging cold front lamang ang nagdudulot ng ka­ulapan sa dulong Northern Luzon habang easterly wave naman ang umiiral sa Mindanao.

Ang temperatura sa Metro Manila ay naglalaro sa 23-35 antas ng sen­tigrado samantalang sa Baguio City ay magka­karoon ng 16-23 antas ng sentigrado.

Ang Iloilo at Cebu na­man sa Visayas ay ma­kakaranas ng 23-33 antas ng sentigrado habang ang Cagayan de Oro, Davao at Zamboanga ay magiging maulan pa rin at ang temperatura ay mula 20-32 antas ng senti­grado. (Angie Dela Cruz)


Show comments