GMA pinaalalahanan ni Erap sa wake-up call

MANILA, Philippines – Isang uri ng “wake-up call” sa administrasyon ni Pangulong Gloria Arroyo ang panibagong dagok na natamo ng Pilipinas ma­karaang makabilang ito sa tatlong bansa na “tax evasion haven” sa buong mun­do, ayon kay dating Pangu­long Joseph Estra­da.

Sa panayam ng mga mamahayag sa telepono, sinabi ni Estrada na sana’y makinig si Pangulong Arroyo sa naturang “wake-up call” at magpasimula ng ba­gong reporma sa kasa­lukuyang sistema ng pa­ma­halaan.

Isa sa mungkahi ni Es­trada ang ganap na pag­balasa sa buong kompo­sisyon ng gobyerno mula sa ibaba hanggang sa pina­kamataas.

Sinabi ni Estrada na hindi na siya nagulat sa pagtukoy sa Pilipinas ng Organization for Economic Cooperation and Development bilang isa sa tatlong “tax evasion havens” sa mundo at pag-ban para makatanggap ng ayuda sa mga proyekto. (Danilo Garcia)

Show comments