Chip Tsao ban pa rin sa Pinas kahit nag-sorry na - Libanan

MANILA, Philippines - Sa kabila ng paghingi nito ng paumanhin, ban pa rin sa Pilipinas ang Hong Kong writer na si Chip Tsao, ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan.

Ayon kay Libanan, kailangang si Tsao mismo ang magpunta sa mga awtoridad ng Pilipinas sa Hong Kong upang maalis ang ban.

“Tsao can request from the [Philippine] Consulate sa Hong Kong who will then communicate to the DFA (Department of Fo­ reign­ Affairs),” paliwanag ni Libanan.

Ang DFA naman ang magpapabatid sa BI ukol sa kahilingan ni Tsao habang ang huli ang mag­papasya kung aalisin nga ito sa blacklist o hindi.

Bago rito, sinabi ni Libanan na maaalis lang si Tsao sa blacklist kung magbibigay ito ng public apology ukol sa mapani­rang artikulong isinulat niya laban sa mga Pilipino.

Agad naglabas si Liba­nan ng order na nagla­lagay kay Tsao sa immigration blacklist dahil sa pagiging undesirable alien matapos nitong tawagin ang Pilipinas na “nation of servants” sa isang arti­kulo.

Binanatan din ni Libanan ang pagiging arogante at kawalang-galang ni Tsao sa Pilipinas at mga Pilipino. (Butch Quejada/Ellen Fernando)

Show comments