MANILA, Philippines - Susuportahan ni House Speaker Prospero Nograles ang hakbangin upang mapababa sa 10 sentimo ang bayad sa text message at hindi Ito Ipapasa sa mga consumers nito.
Aniya, kahit na ang consumers ang pinagbabayad ng 10 sentimo ay lumalabas pa rin na sobra ang singil ng mga telecommunication companies ng P65 sentimo kada text.
Ikinatuwiran ni Nograles na bagama’t maliit tingnan ang halaga ng P10 sentimo, malaki pa rin ang halaga nito kung pagsasama-samahin at ilalaan sa health care at educational program ng gobyerno.
Sinabi pa ng kongresista na ang tunay na halaga lang ng text message ay P25 sentimo ngunit pinagbabayad ng telcos ng P1.00 kada text.
Aniya, dapat na magbenepisyo ang publiko sa mga telcos bilang texting capital of the world at hindi lang ang mga ito ang nakikinabang sa kanilang consumers .
Idinagdag pa ni Nograles na lahat ng antas ng Pinoy sa bansa ay gumagamit ng cellphone at nag-uubos ng load kung kaya’t ang mga telcos ay kumikita ng P2B araw-araw sa text messages pa lang. (Butch Quejada)