Celebrities todo suporta sa Grand BIDA march

MANILA, Philippines - Ilan sa mga kabataang artista ang nagbigay suporta sa Grand Batang Iwas Droga (BIDA) March, kung saan Ito ang pinakamalaking pagtitipon ng mga bata at mga magulang para sa kampanya laban sa droga sa darating na Marso 21 ganap na alas-3 ng hapon sa Roxas Blvd.

Pinangunahan ng GMA talents na sina Isabel Oli, Pauleen Luna, Nadine Samonte at Roxanne Barcelo ang pag-iimbita sa mga kapwa artista sa ginawang media conference sa Alegria Lounge ng Waterfront Pavilion Hotel upang maabot ang 500,000 marchers para sa Guinness Book of World Record.

Ang BIDA project ay suportado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation sa pangunguna ni PAGCOR Chairman Efraim Genuino, local government units, non-government organizations at ilang government agencies. Layon din ng proyektong Ito na magkaroon ng kaalaman ang mga kabataan ng masamang Idudulot ng droga sa kanila.

Naniniwala naman si Genuino na malaki ang maitutulong ng mga nasabing artista sa proyektong Ito dahil magsisilbing role model ang mga Ito sa mga kabataan. (Doris Franche)

Show comments