Francis M. pinarangalan ng Malacañang

MANILA, Philippines - Ginawaran kahapon ni Pangulong Arroyo ng Presidential Medal of Merit ang yumaong si master rapper Francis Magalona sa isang simpleng sere­monya sa Malacañang.

Tinanggap ng biyuda ni Francis M. na si Pia Arroyo-Magalona ang igina­wad na award mula sa Pangulo. Naroroon din ang mga kasamahan sa Eat Bulaga na sina DDB chairman Tito Sotto, tv host Vic Sotto at Joey de Leon.

Ipinagkaloob ang posthumous award kay Francis M. dahil sa pagiging maka­bayan nito sa pamamagi­tan ng kanyang mga kom­posisyon at awitin.

Namatay si Francis M. noong March 6 matapos ang ilang buwang pakiki­paglaban sa sakit nitong leukemia. (Rudy Andal)

Show comments