MANILA, Philippines - Matapos na maghain ng “diplomatic protest” ang pamahalaang China, sumunod na ring nagpa hayag nang matinding pagtutol ang bansang Vietnam sa nilagdaang Baselines Law ni Pangulong Arroyo na nagpapatibay na pag-aari ng Pilipinas ang mga isla na ina angkin ng iba pang Asian countries sa Scarbourough Shoal at Spratlys Group of Islands na malapit sa west coast ng South China sea.
Sa isang statement, binigyang-diin ni Vietnam Foreign Ministry spokesman Le Dung na mayroon silang “sufficient legal basis at Historical evidence” na pagmamay-ari ng Vietnam ang Spratlys at Scarborough Shoal.
Nagbabala si Dung na ang ginawang aksyon ng pamahalaang Arroyo ay isa umanong “serious breach” ng Vietnam sovereignty.
Sa ilalim ng nasabing bagong batas, sinasabi na ang mga pinag-aagawang isla sa Spratlys at Scar borough Shoal ay kabilang sa territorial baseline ng Philippine archipelago na mahigit 7,100 isla.
Bukod sa China at Vietnam, kabilang pa sa mga umaangkin sa may 100 maliliit na isla sa Spratlys at Scarborough Shoal ay ang Brunei, Malaysia at Taiwan.
Magugunita na nagka-roon na rin ng “standoff” dahil sa “battle for ownership” sa Spratlys ang China at Viet nam nang magkasagupa san-hi ng pag-kasawi ng 70 Vietnamese sailors no ong 1988 na naresolba lamang matapos na mamagitan ang United Nations. (Ellen Fernando)