'Killer buwaya' hulihin nang buhay - DENR

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Caraga sa mga tauhan nito na hulihin lamang at huwag papa­ tayin ang dambuhalang buwayang pumatay sa isang 12-anyos na bata sa Agusan nitong naka­raang araw.

Ayon kay DENR-Ca­raga spokesperson Eric Gallego, hindi maaaring pa­ tayin ang tinaguriang ‘killer buwaya’ dahil ba­hagi ito ng ecology at ang pina­kamabuting maga­gawa ng DENR ay dalhin ito sa cro­codile farm ng Davao o kaya’y sa Pala­wan.

Ang batang nasakmal ang ulo ay si Rowena Romano, mag-aaral ng Floating School sa Agusan del Sur at natagpuan ang katawan nito kahapon na lumulutang sa tubig ngunit wala na itong ulo.

Ligtas naman ang mga kasama nitong mag-aaral nang makapunta sa pam­pang makaraang itaob ng buwaya ang sinasakyan nilang bangka.

Una nang inutos ng lokal na pamahalaan ng Bu­nawan Agusan del Sur na lisanin muna ng mga tao ang naturang lugar habang hindi pa nahuhuli ang killer buwaya na sina­sabing may 30 talampa­kan at kayang kumain ng dala­wang tao sa loob ng isang araw.

Hindi rin umano ito ka­yang hulihin ng kahit 10 tao, kaya naghanda na ng isang malaking team ang DENR upang magsa­nib pwersa sa paghuli sa nasabing buwaya.

Ang insidenteng ito ay nakaapekto sa kabuha­yan ng mga Tausug, isang tribo sa Mindanao na naninirahan sa bahay na bangka sa ibabaw ng katubigan sa rehiyon. (Angie dela Cruz)

Show comments