MANILA, Philippines - Ang Department of Justice ang kinakalampag naman ngayon ng Senado kaugnay sa pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng Legacy Group sa pangunguna ni Sto. Domingo, Albay Mayor Celos de los Angeles.
Ayon kay Senator Mar Roxas, dapat agad na gu mawa ng aksiyon ang DOJ bilang tulong na rin sa mga naging biktima ng Legacy.
“Pukpukin natin ang DOJ. Kalampagin natin hanggang sa mag-file na sila ng kaso laban sa Legacy,” sabi ni Roxas.
Sinabi ni Roxas na dapat maging mapagbantay ang publiko at huwag hayaang ‘i-dribble’ lamang ang isyu nang pagsasampa ng kaso hanggang sa makalimutan na lamang.
Idinagdag ni Roxas na naihain na ang mga reklamo sa DOJ laban sa mga opis yal ng Legacy at maging sa mga kasabwat sa Securities and Exchange Commission, Bangko Sentral ng Pilipinas at iba pang investors, at ini-refer lamang ito para sa preliminary investigation ng “Task Force Legacy”.
Sinabi ng mga miyembro ng task force sa mga senador na gagawin ang preliminary investigation sa mga reklamo sa Marso 21.
Sinabi ni Roxas na maliwanag naman na napakaraming naloko ng Legacy at ginamit pa ni de los Angeles sa personal na ambisyon ang salapi ng mga ito. (Malou Escudero)