Legacy may malakas na koneksiyon sa SEC

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Carolina Hinola, dating chief operating officer at treasurer ng Legacy Consolidated Plans Inc., na malakas ang konek­siyon ni Sto Domingo, Albay Mayor Celso de los Angeles sa Securities and Exchange Com­­mission.

Sinabi ni Hinola sa kan­yang affidavit na ma­talik na kaibigan ni SEC Commissioner Je­sus Mar­­tinez si de los Angeles.

Ipinagmamalaki umano ni de los Angeles na matalik niyang ka­ibi­gan si Martinez at alam nito ang proble­ ma ng ka­nilang kom­panya.

Sinabi pa ni Hinola na naging saksi din siya sa pakikipag-usap ni delos Angeles sa opis­yal ng SEC.

Katulad ng inaasa­han, itinanggi ni Marti­nez ang akusasyon, pero nanin­digan naman si SEC Chairman Fe Barin na magsasagawa sila ng sariling imbesti­gasyon kung ano ang naging papel ng kani­lang opisyal matapos itong tanungin ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Sa ikalawang pagka­kataon ay sinampahan na rin ng Bangko Sen­tral ng Pilipinas ang LCPI sa Department of Justice ng syndicated estafa dahil sa pagkuha ng P487 mil­yon mula sa mga depo­sitors at pera ng gob­yerno. (Malou Escudero at Gemma Garcia)

Show comments