Init sinisi ng DOH

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Health na wa­lang ki­ nalaman ang Ebola Res­ton Virus sa naram­da­mang pagkahilo at pag­taas ng presyon ng anim na miyembro ng depopulation team na nag­sa­sagawa ng pagpatay sa 6,000 baboy sa isang hog farm sa Pandi, Bula­can.

Ang paniniyak ay gi­nawa ng DOH kasabay ng pahayag na ang pag­kahilo ng anim na miyem­­bro ng depopulation team noong Martes ay dala ng matinding sikat ng araw.

Napakainit din ng suot nilang personal protective equipment. Agad na­mang pinagpapahinga at kinu­ku­nan ng blood pressure ang mga miyembro ng team.

Sinabi ni Dr. Joy Go­mez, tagapagsalita ng depopulation team, na umabot na sa 2,663 ang napatay na baboy base sa pinakahuling datos kahapon ng umaga.

Naging mabilis aniya ang proseso, dahil noon lamang Martes, ay naka­patay sila ng 1,426 na baboy. (Doris Franche)

Show comments